Ano Ang Ginagamit Sa Pagawa Ng Disenyong Ifugao?

Ano ang ginagamit sa pagawa ng disenyong ifugao?

answer:

Ifugao sa pagluluto, pag-iimbak ng pagkain at tubig, paghahain, at bilang palamuti. May mga

beads na nagpapahayag ng kaalaman hindi lamang tungkol sa konsepto ng kagandahan ng mga

Ifugao, kung hindi pati na rin sa kanilang mga kaugalian sa paglilibing. Maraming matututunan

ang mga arkeologo tungkol sa nakaraan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga materyales na

ito. Sa larangan ng materyal na kultura, pinagtutuunan ng pansin ng mga arkeologo ang paraan

ng paggamit at pinagmulan ng mga ito.

May tatlong uri ng mga sinaunang seramika sa SNK: earthenware (Figure 1), stoneware (Figure

2), at porselana (Figure 3). May ibat ibang uri ng seramika: mangkok, palayok, banga, water jar.

Panlutong palayok at garapong pantubig ang pinakakaraniwang uri ng seramika na matatagpuan

sa SNK. Ang stoneware at porselana ay kilala bilang gamit pangkalakal (tradeware), dahil

nakuha ang mga ito sa pamamagitan ng kalakal o barter.

Ang stoneware at beads (Figure 4) ay iba pang mga gamit pangkalakal na matatagpuan sa

paghuhukay ng SNK. Ayon sa Ifugao na historian na si Lourdes Dulawan, ang mga beads at iba

pang heirloom o pamana ay bahagi ng mga kasangkapang bumubuo ng kayamanan ng mga

sinaunang Ifugao. Sinuot ng mga sinaunang Ifugao ang mga beads bilang alahas gaya ng

kuwintas at pulseras, ngunit ginamit din nila ang mga ito bilang pabaon sa libing (Figure 5).

Karamihan sa mga beads sa SNK ay natagpuan sa mga burial jar. Ito ay nagpapahiwatig ng ibat

ibang mga layunin ng pangkalakal na gamit. Maaari silang gamitin bilang pamana, palamuti,

alahas, pangkalakal, o panglibing.

Ang mga gamit pangkalakalan ay hindi gawa sa Ifugao. Nagmual ang mga ito sa ibang bahagi ng

mundo. Nabuhat sila sa mga barko sa baybayin, ipinagpalit o binenta sa mababang lugar sa

Pilipinas, at pagkatapos ay dinala sa Ifugao at ibang karatig bayan sa matataas na pook.

Natagpuan ng mga arkeologo ang mga porselanang gawa sa Europa o Tsina sa SNK. Ang mga

stoneware at beads ay kilala bilang gamit pangkalakal sa buong Timog-silangang Asya sa

panahong iyon. Ang mga gamit pangkalak na natagpuan sa SNK ay nagbibigay ng katibayan na

nakipag-ugnayan ang mga sinaunang Ifugao sa mga tao sa mababang pook at nagbigay-daan

sa pagkakaroon nila ng mga gamit pangkalakal. Mababasa din sa mga historic account o

makasaysayang ulat na ang mga sinaunang Ifugao ay may ugnayang sosyo-ekonomikal sa mga

pangkat sa mabababang lupain at kalapit na pangkat sa kabundukan. Ang pag-aari ng mga

imported na gamit gaya ng porselana at beads ay lubos na pinahahalagahan. Nagpapakita ito

ng katayuan sa buhay sa sinaunang lipunan ng Ifugao.

Talasalitaan

Seramika – Palayok at iba pang mga materyales na gawa sa luwad. Nilikha ang mga ito sa

pamamagitan ng paghuhubog ng luwad at pagkatapos ay pinatitigas ito sa hurno o sa init ng apoy

Earthenware – Isang seramika na gawa sa bahagyang buhaghag o magaspang na luwad at

pinatigas sa mababang temperatura

Stoneware - Matigas na seramikang gawa sa hindi buhaghag na luwad at pinatigas sa mataas

na temperatura

Porselana – Matigas at maputing seramika na gawa sa pinong luwad at pinatigas sa napakataas

na temperatura

Gamit pangkalakal - Materyales na binili, ibinenta, o ipinagpalit

Kalakal - Ang gawain o proseso ng pagbili, pagbenta, o pakipagpalitan ng mga kalakal o serbisyo

Pamana - Isang mahalagang bagay na pag-aari ng isang pamilya iilang henerasyon ang nakaraan


Comments