Help Po Asap Pls Po Help Po Asapp
Help po asap pls po help po asapp
Answer:
Maynila - Ang Lungsod ng Maynila ay kilala bilang Maynila, ay ang punong lungsod ng Pilipinas. Ito ang lungsod na may pinakamakapal na dami ng tao sa buong mundo. Ito ang kauna-unahang lungsod na kinikilala ayon sa Philippine Commission Act 183 na ipinasa noong 13 Hulyo 1901 at naging awtonomo nang maipasa ang Batas Republika Blg. 409 o ang "Revised Charter of the City of Manila" noong 18 Hunyo 1949.
Makati - Ang Makati, opisyal na Lungsod ng Makati, ay isang lungsod sa Pilipinas, at isa sa labing-anim na mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Ito ang sentro ng kalakalan, pananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang karamihan ng mga malalaking kompanyang banyaga pati na rin ang mga tanggapan ng mga malalaking lokal na korporasyon ng bansa.
Navotas - Ang Navotas, opisyal na Lungsod ng Navotas o Navotas City sa payak na katawagan, ay isang unang klaseng lungsod sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 247,543 sa may 56,260 na kabahayan. Isang mahalagang komunidad ng palaisdaan ang Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda ang karamihan sa mga kabuhayan ng mga residente dito. Nanghuhuli din ng mga isda ang ilan sa Look ng Maynila. Kilala ito sa kaniyang mga patis at bagoong at tinuturing na "Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas."
Pasay - Ang Pasay ay isa sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Napaliligiran ito ng Maynila sa hilaga, Lungsod ng Makati sa hilagang-silangan, Lungsod ng Taguig sa silangan at Lungsod ng Parañaque sa timog. Sa Kasalukuyan, nasa lungsod ng Pasay ang gusali ng Senado, ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, at ang SM Mall of Asia. Isa sa mga orihinal na apat na lungsod ng Kalakhang Maynila ang Pasay. Hinggil sa pagiging malapit nito sa Maynila, naging mabilis na lugar na urbano noong Panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Quezon City - Ang Lungsod Quezon o Lungsod ng Quezon ay dating kabisera at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang Lungsod Quezon sa mga lungsod at munisipalidad na binubuo ng Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon. Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga pamahayan (residential) na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.
Comments
Post a Comment