Talambuhay Ni Don Juan Sumulong, Ipinanganak Sa Antipolo, Rizal Noong Ika-27 Ng Disyembre, 1875 Si Juan Sumulong. Siya Ay Anak Ng Magsasakang Si G. Policar

Talambuhay ni Don Juan Sumulong

Ipinanganak sa Antipolo, Rizal noong ika-27 ng Disyembre, 1875 si Juan Sumulong. Siya ay anak ng magsasakang si G. Policarpio Sumulong na naging Alkalde ng Antipolo at ni Gng. Arcadia Marquez. Nagtapos ng Bachelor of Arts sa Colegio de San Juan de Letran sa kabila ng kahirapan at sakripisyo. Naglako ng tabako pagkatapos ng klase sa umaga, tumulong sa kasera sa paghahanda ng almusal upang matugunan ang upa sa tinitirhan at nagtiis magsuot ng sapin sa paang yari sa kahoy kung tag-ulan upang hindi kaagad masira ang kaisa-isang pares ng sapatos. Nagpatuloy sa pag- aaral hanggang sa makapagtapos ng Abogasiya sa Unibersidad ng Santos Tomas.
Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol, sumapi siya sa mga rebolusyonaryong nakahimpil sa Lalawigan ng Morong. Nagsilbi bilang pribadong kalihim ng gobernador sibil sa Morong na nakahimpil sa Antipolo. Matapos ang naging pagpupulong upang magsanib ang Lalawigan
12
CO_Q2_Filipino 5_Modyul 1
ng Morong at Lalawigan ng Maynila, na sinang-ayunan ni Konsehal Sumulong, tinawag itong Lalawigan ng Rizal. Siya rin ay naging mamamahayag sa La Patria, naging tagasuri ng kalagayang pampulitikal ng La Democracia, isang lathalain ng Federal Party, kung saan siya ay nagsilbi bilang patnugot ng mahabang panahon. Matapos makapasa ng pagsusulit pang-abogasiya noong 1901, nagsilbi bilang mambabatas habang nagtuturo sa Escuela de Derecho. Napagtagumpayan ang usaping hangganan ng Antipolo at Cainta. Noong 1925, nahalal bilang Senador ng anim na termino sa ikaapat na distrito na binubuo ng Maynila, Rizal, Laguna at Bataan. Naging kasapi ng Philippines Independence Mission sa Estados Unidos noong 1930 hanggang 1931. Kumandidato bilang katunggali ni Manuel L. Quezon sa pagkapangulo ng Pilipinas noong 1941, ngunit dalawang linggo bago ang eleksyon, naratay sa banig ng karamdaman hanggang sa pumanaw noong ika-9 ng Enero, 1942. Si Maria Salome Sumulong, ang kanyang nakaisang dibdib. Nagkaroon ng 11 anak, ngunit apat sa kanila ay namatay. Sina Lumen, Dimetria, Lorenzo, Paz, Juan Jr., Belen at Francisco ang natirang buhay. Si Dimetria Sumulong ay ikinasal kay Jose Chichioko Cojuanco mula sa Tarlac. Ang kanilang ikaapat na anak (apo ni Juan Sumulong) ay si Corazon C. Aquino, ang ikalabindalawang pangulo ng Pilipinas (1986-1992) na ina ng ikalabinlimang pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III.
Taglay ni Don Juan Sumulong ang katangian ng isang tunay na Antipolenyo, ang pagiging maka-Diyos, matulungin, magiliw sa pagtanggap ng mga panauhin, masayahin at mapagmahal sa kapwa at sa pamilya. Ipinangalan sa kanya ang ilan sa mga pribadong paaralang pansekondarya, ang Juan Sumulong Memorial School System. Ang Sumulong Highway na nabuo noong 1960, ang daan nagdudugtong sa Lalawigan ng Rizal, Metro Manila at Marikina ay ipinangalan din sa kanya.
- www.senate.gov.ph/senators/former_senators/juan_sumulong.html; https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12683

Answer: wc?<33

#CarryOnLearning


Comments